-- Advertisements --
Nanawagan si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo na makiisa sa 2025 national and local election.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paglahok sa halalan bilang isang pundamental na bahagi ng demokrasya.
”That’s what we do in democracy —we elect our constituents,” ani Arroyo sa isang maikling panayam matapos bumoto sa San Nicolas 2 Elementary School.
Nanawagan siya sa mga Pilipino na huwag palampasin ang karapatang bumoto. ”Go out and vote. Our voting participation rate should be high.”
Muling tumatakbo si Arroyo sa pagka-kongresista ng Pampanga, kung saan siya ay walang katunggali.