Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga nanay ngayong ginugunita ang Mother’s Day.
Pinasalamatan ng Pangulo ang mga nanay dahil sa kanilang sakripisy at pagmamahal na walang hanggan para sa kanilang pamilya.
Sa social media account ng Pangulo, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang isang photo collage ng kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos, asawa na si First Lady Liza Marcos, kapatid na si Irene Marcos.
Ayon sa Pangulo ang mga nanay ang nagsisilbing tahimik na lakas sa likod ng bawat pamilya.
”They care, nurture, guide and give of themselves without asking for anything in return. Their love knows no bounds and neither does their sacrifice. Ngayong Mother’s Day, taos-puso kong kinikilala at pinasasalamatan ang lahat ng ilaw ng tahanan. Maraming salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal at pagkalinga,” pahayag ni Pang. Marcos.
Kapansin-pansin din na hindi kasama sa photo collage na pinost ni Pangulong Marcos ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Senator Imee Marcos.”