-- Advertisements --

Binuksan ni Chrisia Mae S. Tajarros ng Eastern Visayas ang medalya ng Palarong Pambansa 2026 matapos mangibabaw sa 3,000-meter athletics event para sa secondary girls at maiuwi ang unang gintong medalya sa regular sports.

Patuloy ang kanyang pagdomina sa naturang event matapos ding maging unang gold medalist noong 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte, na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga pinakamahuhusay na batang atleta ng bansa.

Nakamit naman ni Angel Lumacang ng Eastern Visayas ang pilak, habang si Charlen Cos ng Davao ay nakakuha ng tanso. Ang tagumpay ni Tajarros ay nagdadagdag sa kasaysayan ng Eastern Visayas na kilala sa pagbibigay ng mga de-kalibreng atleta sa larangan ng athletics.

Ang Palarong Pambansa ay taunang multi-sport event na nilalahukan ng mga estudyanteng atleta mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas, nagsimula pa noong 1948 bilang pambansang paligsahan para sa kabataan.

Sa kasalukuyan, ito ay itinuturing na pinakamalaking grassroots sports program ng pamahalaan na naglalayong tuklasin at hubugin ang mga susunod na pambansang atleta.