Nanindigan ang Malakanyang na ang magagawa ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay sumunod sa batas at tumalima sa rule of law.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer USec. Claire Castro kaugnay ng naging apela noong nakaraang linggo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kay Pangulong Marcos na protektahan siya bilang isang mamamayang Pilipino.
Ayon kay Castro, base sa naging komento ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema, hindi na umano kinakailangang dumaan pa sa local court ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa.
Samantala, mariing itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na spliced o inedit ang inilabas nilang video kaugnay sa umano’y pag-alis ni Dela Rosa mula sa Senado.
Kinumpirma rin ni Remulla na sumakay umano ang tatlong indibidwal sa isang puting SUV na nakarehistro kay Senador Robin Padilla, batay sa rekord ng Land Transportation Office (LTO).
















