-- Advertisements --
Nagbulsa ng silver medal si two-time Olympian Elreen Ando sa Asian Weightlifting Championships na ginanap sa Zhejaiang, China.
Nabuhat ni Ando ang 102 kilograms sa snatch at 130kgs. sa clean and jerk na may kabuuang 232 kgs.
Itinuturing rin ang Souteast Asian Games na crowd favorite subalit ito ay nabigo.
Nag-uwi naman ng gold medal si Li Shuang ng China habang bronze medal naman ang naiuwi ni Mun Minhee ng Korea.