-- Advertisements --
Magkakasunod na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo.
NItong alas-6 ng umaga ng magpatupad ng P0.30 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P0.90 na bawas sa kada litro.
Magkakaroon naman ng P1.25 na bawas sa kada litro ng kerosene.
Ilan sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy sa bawas presyo ay ang pagtaas ng produksyon ng langis ng mga Organization of the Petroleum Exporting Countries at ang hindi pa matiyak na trade wars sa pagitan ng China at US.