-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino sa Vienna na huwag munang lumabas ng kanikanilang bahay kasunod ng nangyaring shooting attack malapit sa isang synagogue doon.

Sa security alert na kanilang inilabas, sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Vienna sa pamilya ng Filipino community doon para abisuhan ang mga ito na huwag na muna lumabas ng kanilang bahay.

Nabatid na dalawang sibilyan ang binawian ng buhay sa nangyaring shooting incident at ikinasugat naman ng 15 iba pa.

Ayon sa DFA, 321 ang bilang ng mga Pilipino sa Vienna.

Nauna nang sinabi ng Austrian Ministry of Interior na maituturing bilang “repulsive terrorist attack” ang nangyaring shooting incident.

Napatay na ng mga awtoridad ang isa sa mga gunmen, pero nananatili namang at large ang isa pang suspek