-- Advertisements --

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga otoridad sa bansang Brunei para alamin ang kalagayan ng mga Pinoy na kasama sa lumubog na fishing vessel sa naturang bansa.

Una rito, sa inilabas na statement ng DFA, pitong Pinoy umano ang kasama sa lumunog sa Radims vessel base sa nakuhang impormasyon ng DFA sa Philippine Embassy sa Brunei.

Kahapon, dalawang crew raw ang nailigtas na sa naturang sea tragedy pero hindi pa nabanggit kung ang mga nailigtas ay Pinoy.

Hindi rin nabanggit kung ilang katao ang laman ng lumubog na barko na nawalan ng komunikasyon sa may-ari nito mula sa kapitan ng fishing vessel noong Miyerkules, Agosto 7.

Sa ngayon nagpatulong na raw ang National Search and Rescue Coordination Committee ng Brunei sa Malaysian Maritime Enforcement Agency para hanapin ang mga nawawalang crew ng nawawalang vessel.

“The search and rescue operations were halted yesterday as no crewmembers in the identified search area, other than the two previously rescued, were found,” base sa statement ng DFA.