-- Advertisements --

Muling naghain ng dalawang diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China, kaugnay ng mahigit 200 Chinese militia vessels sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Sec. Teddyboy Locsin Jr., maganda ang pagkakahanay ng kanilang liham, ngunit hindi ito maaaring ilabas sa publiko, kaya’t ang Senate at House committees on foreign relations lamang ang kanilang binigyan ng kopya.

Laman ng panibagong reklamo ang pagmamatigas ng China na paalisin ang 240 Chinese militia vessels, anim na Chinese navy vessels, kasama na ang tatlong warships na nasa loob ng ating teritoryo.

May namataan ding dalawang People’s Liberation Army Navy vessels sa Bajo de Masinloc.

Maliban dito, iniulat din ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) na may na-monitor silang Chinese poachers na nangunguha ng mga lamang dagat sa Pag-asa Islands.