-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mula Hulyo hanggang Disyembre 2025 ay aktibo itong nakipag-ugnayan sa mga bilateral, regional, at multilateral partners upang isulong ang diplomatikong interes ng Pilipinas at tugunan ang mga prayoridad ng bansa.

Ayon sa year-end report ng DFA, nakatuon ang mga hakbang ng ahensya sa pagprotekta sa pambansang interes at sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Noong Hulyo, umupo bilang kalihim si Ma. Theresa Lazaro, kapalit ni Enrique Manalo na ngayon ay Philippine Permanent Representative sa United Nations.

Kabilang sa mahahalagang nagawa ng DFA ang ligtas na pagpapauwi sa humigit-kumulang 700 Pilipino mula sa mga scam hub sa Southeast Asia at ang pagpapalaya sa siyam na Pilipinong seafarers na na-hostage sa Red Sea.

Binanggit din sa ulat ang pakikilahok ng Pilipinas sa mga high-level meetings tulad ng United Nations General Assembly, APEC Ministerial Meeting, at EU–Indo-Pacific Ministerial Forum, pati na ang pagpapatibay ng ugnayang bilateral at practical cooperation.

Inaasahan ding pormal na pamumunuan ng Pilipinas ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong taon.