-- Advertisements --
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), na nasa proseso pa sila ng beripikasyon hinggil sa napaulat na pag-aresto kay dating presidential spokesperson Harry Roque sa The Netherlands.
Sa plenary deliberations ng Senado para sa 2026 budget ng DFA, tinanong ni Senate President Vicente Sotto III ang ahensya tungkol sa ulat na inaresto si Roque.
Bilang budget sponsor ng DFA, sinabi ni Senadora Imee Marcos na wala pang natatanggap na impormasyon ang ahensya mula sa The Netherlands kaugnay ng insidente.
Ayon kay Marcos, bagaman lumabas na ang balita, tinitiyak pa ng DFA ang katotohanan ng ulat at magbibigay ito ng pahayag kapag nakumpirma na.
















