Kinumpirma ng reigning Western Conference champion Phoenix Suns na ang kanilang top player na si Devin Booker ay hindi muna makakasama ngayong linggo sa pagsisimula sa training camp dahil sa health at safety protocols ng NBA.

Kung maalala ang 24-anyos na si Booker ay naging malaki ang papel upang pangunahan ang Suns sa NBA Finals noong huling season kung saan natalo sila ng Bucks sa loob ng six games.

Nag-average siya ng 25.6 points per game sa naturang season.

Matapos ang NBA Finals naging bahagi rin si Booker ng US team na nakasungkit ng gold medal sa Tokyo Olympics.