Hinatulan ng Sandiganbayan si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na makulong ng 30 taon matapos ideklara ng anti-graft court na guilty ito sa tatlong graft cases.
May kaugnayan ito sa umano’y mismanagement ng P780 million funds sa kaniyang panunungkulan bilang head ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Sa 66-page decision promulgated noong June 7, sinintensyahan ng Sandiganbayan Fourth Division si Pichay, kasama si dating LWUA Deputy Administrator Wilfredo Feleo Jr. para sa kaparehong kaso.
Ang dalawang dating LWUA officials umano ang responsable sa paglalagay sa kanilang ahensya sa pagkalugi dahil sa pag-acquire noong 2009 ng 60 percent voting stock sa Laguna-based local thrift bank na Express Savings Bank Inc. (ESBI) na pag-aari naman ng WELLEX Group Inc. at Forum Pacific Inc.
Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Lorifel Pahimna ng Sandiganbayan.
Sa panig naman ni Pichay, tiniyak nitong gagamitin nila ang lahat ng maaaring legal na hakbang upang iapela ang nasabing hatol.