NAGA CITY – Pinuri ngayon ng Department of Education (DepEd) Bicol ang Bombo Radyo Philippines sa matagumpay na coverage bilang official media partner sa Palarong Pambansa 2018 sa Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mark Kevin Arroco, project development officer ng DepEd Bicol, labis ang pasasalamat nito sa buong team ng Bombo Radyo Philippines sa maganda at matagumpay na paghatid ng mga update sa Palaro para sa mga tagapagkinig sa buong bansa.

Aniya, ramdam na ramdam nila ang buong pwersa ng Network sa Ilocos Sur kung saan halos lahat ng magagandang kwento at anggulo ng mga laro ang hindi aniya pinapalampas.

Samantala, pinuri rin ni Arroco ang buong lalawigan ng Ilocos Sur sa matagumpay na pag-host ng nasabing malaking event kung saan wala aniya silang naging problema sa kabuuang pannatili nila sa lugar.