Nangangailangan ng nasa P37 bilyon na pondo para mabigyan ang lahat ng guro ng bansa ng sarili nilang laptop.

Ayon sa Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng sariling laptop ng guro ay para matiyak na makakabasa sila sa distance learning.

Sa pagdalo ng House deliberations para sa proposed 2022 budget ng DepEd, sinabi ni Undersecretary Alain Pascua na kulang talaga ang pondo ng ahensiya para tugunan ang distance learning.

Sa nasabing nabanggit na halaga P33 bilyon dito ay para sa laptops habang P4 bilyon naman ay para sa data connectivity ng hanggang isang taon.

Noong 2019 ay mayroon 211,000 units na ang nabigyan ng mga laptops habang 36,676 units naman sa 2020 ang kasalukukyang idini-deliver.

Mayrong 65,683 units ang kasalukuyang binibili pa ng ahensiya bukod paa 40,000 laptop units ang bibilhin na napapaloob sa Bayanihan 2.