Nakakuha umano ang Department of Education (DepEd) ng satisfactory mark base sa 2020 Commission on Audit (COA) report.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones na nakapagtala ng mataas na implementasyon ng compliance report ang kagawaran sa kabila ng ilang misstatement mula sa komisyon.
Ipinaliwang naman ni DepEd USec. for Finance Annalyn Sevilla na ang ilang misstatements mula sa COA sa 2020 consolidated annual audit report ay itinatama na ng Education Department kasunod ng rekomendasyon ng COA.
Ang satisfactory mark na nakuha ng kagawaran ay bunsod ng improvements sa accounting standards at mabilis na narealigned ang 2020 budget ng DepEd na nakalaan sa traditional face to face classes sa kabila ng nararanasang epekto ng COVID-19 kabilang na dito ang limitadong staff at mobility dahil sa umiiral na work from home at skeletal work arrangements.
Gayundin napangasiwaan ng maigi ang procurement at logistics na kailangan at nakapagpamahagi ang kagawaran ng mga kagamitan para sa mga school personnel sa ilalim ng implementsyon ng blended learning gaya ng laptops at sim cards na may connectivity load bilang bahagi ng Bayanihan 2.