-- Advertisements --

Mangangailangan pa ng 14 na taon ang Department of Education (DepEd) para mapunan ang mga bakanteng guidance counselor position sa mga paaralan.

Ito ay dahil sa limitado lamang ang bilang ng mga graduates ng master’s degree programs sa guidance and counseling kada taon.

Sinabi ni Karol Mark Yee ang executive director ng Second Congressional Commision on Education, na gumagawa na sila ng paraan para matugunan ang kakulangan kung saan kada taon ay mayroong 300 lamang ng mga graduates sa mga paaralan na nangangailangan ng master’s degree program.

Sa kasalukuyan ay mayroong 4,460 na mga bakanteng guidance counselor positions na dapat punan ng DepEd.

Tiniyak naman ni DepEd Secretary Sonny Angara na ginagawan na lamang nila ng paraan ang nasabing kakulangan ng nasabing bakanteng posisyon.