-- Advertisements --

Bibigyan ng Department of Education (DepEd) ng dalawang araw na work from home (WFH) ang mga non-teaching personnel bago ang pagtatapos ng Oktubre.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na mayroong siyang inilabas na memorandum ukol sa nasabing WFH arrangement sa mga non-teaching personnel ng mula Oktubre 27 hanggang Oktubre 30.

Ang WFH arrangement sa mga non-teaching staff ay dapat aprubado ng kanilang superiors.

Marapat na natitiyak nila na habang nasa WFH ay nagagawa pa rin nila ang kanilang mga trabaho.