-- Advertisements --

Nagbigay ng panuntunan si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa planong gawing vaccination centers ang mga public elementary at high schools.

Sinabi ng kalihim na maaari lamang nilang gamitin bilang vaccination center kapag wala ng ibang lugar na mahanap ang isang local government unit.

Dagdag pa nito na mayroon silang polisiya na gagamitin lamang ang mga paaralan tuwing may kalamidad bilang huling options na lamang.

Dapat ang mga silid-aralan na gagamitn ay sumasang-ayon sa mga itinakdang panuntunan sa mga isolation centers ng Department of Health.

Umaabot na rin sa 1,212 na paaralan ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities kung saan 422 dito ay mula sa Eastern Visayas.