Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ng susuportahan nila ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na idaan sa radyo ang pagtuturo sa mga estudyante kung hindi ito kakayanin sa TV lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DepEd Usec. Tonisito Umali, sinabi nitong may mga lugar pa sa Pilipinas na hindi naman talaga naaabot pa ng TV at mas mainam na gamitin sa mga malalayong lugar na ito ang radyo.
Dahil dito, sinabi ni Umali na isa ang radyo sa pinakamahalaga ngayong distance learning modality na ipatutuapd kagawaran.
Aniya ito ay sa ilalim pa rin ng basic edication learning continuity program ng pamahalaan matapos nag patuloy na pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kapag may radio set umano ang bawat estudyante ay madali na lamang mamo-monitor ang isasagawang klase sa pamamagitan ng radyo.
Kasabay nito, nais daw ng DepEd na makipag-ugnayan sa Bombo Radyo para maging partner kung matuloy ang kanilang plano.