Inihayag ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong mag-recruit ng halos 33,000 na mga bagong Teacher I upang mabawasan ang siksikan sa mga silid-aralan at mapabuti ang kalidad ng pagtuturo sa Grade I.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, makakatulong ito upang mapagaan ang trabaho ng kasalukuyang mga guro at mapalakas ang kalidad ng edukasyon ng bansa.
Bukod dito, magbubukas din ang DepEd ng 6,000 School Principal I at 10,000 na mga School Counselor Associate I upang tugunan ang kakulangan sa pamumuno ng mga pampublikong paaralan sa gitna ng pagtaas ng alalahanin sa mental health ng mga estudyante.
Plano rin ng ahensya na mag-deploy ng 20,000 na mga bagong guro, kabilang ang mahigit 33,000 na hindi pa napupunan na posisyon.
Inaasahan ng DepEd na tatanggapin nila ang P1.044 trillion budget mula sa pamahalaan sa susunod na taon.















