-- Advertisements --
Bukas ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan muli kung epektibo ba ang K-12 basic education reform program.
Ayon sa DepEd, na nakikipagtulungan sila sa House of Representatives para malaman kung naging epetibo ba ang nasabing programa.
Mahalaga aniya ang nasabing pag-aaral para mapag-usapan ang anumang problema at matukoy ang solusyon.
Magugunitang sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hiniling ng kaniyang anak na si Veronica na kung maaari ay tanggalin na ang K-12 program.