-- Advertisements --

Ikinukunsidera na ngayon ng Office of the Ombudsman ang posibilidad na pagsasapubliko o livestreaming ng isinasagawang ‘preliminary investigations’ sa tanggapan kaugnay sa flood control projects anomaly cases.

Ayon mismo kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, pinag-aaralan ito ngayon kasunod ng layunin gawing bukas o transparent ang opisina.

Tinitingnan aniya ang mga paraan para gawing mas ‘accessible’ sa publiko ang prosesong ginagawa ng Office of the Ombudsman.

Kabilang rito maging o pati pagsasapubliko ng mga resolusyon at pagdinig ngunit di’ lamang kasama mga sensitibong isyu may kinalaman sa karapatan ng minors o bata.

Habang inihayag naman ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na ang isinumiteng rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure kahapon ay hindi na kakailanganin pang isailalim sa fact-finding ng tanggapan.

Aniya’y kasunod nang matanggap ang naturang rekomendasyon, dadaan na ito sa ‘preliminary investigation’ ng panel of prosecutors.

Maaalalang isinumite kahapon ng Independent Commission for Infrastructure ang panibago nitong interim report sa Office of the Ombudsman ukol sa imbestigasyon sa flood control projects anomaly.

Inirerekumendang mapakasuhan sina Sen. Joel Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, former DPWH Usec. Roberto Bernardo, former Congressman Zaldy Co, at iba pa.