-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na i-block agad ang numero ng scammer na nanloloko gamit ang text message o tawag sa telepono na kunwari ay nanalo ka sa isang raffle o makaTatanggap ng regalo.

Kabilang sa modus ng mga scammer ay ang kunwaring pagkapanalo ng biktima ng daan-daang libong piso sa raffle pero bago makuha ang premyo ay dapat ibigay muna ang buong pangalan, address ng bahay at iba pang mahahalagang impormasyon nito.

Inihayag ng kagawaran na kapag nakatanggap ng ganitong text o tawag, huwag na dapat pansinin ito lalo na kung wala namang sinalihang raffle.

Maliban sa pag-block sa numero, pinapayuhan ang publiko na magsumbong sa Philippine National Police Anti- Cybercrime Group sa numerong 0998 598 8116.