Aabot sa 6,567 magsasaka ng palay sa lalawigan ng Catanduanes ang tumanggap ng P7,000 bawat isa mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ng Department of Agriculture.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa kabuuang kabuuang P45.97 milyon ang kanilang ipinamahaging pondo.
Ito ay bahagi ng 142,600 target beneficiaries sa buong Bicol Region, kung saan 92% (131,073 magsasaka) na ang nabigyan, na may kabuuang P917.5 milyon.
Nabatid na ang RFFA ay para sa mga magsasakang may cash card na at pinondohan mula sa taripa sa imported na bigas sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
May pamamahagi rin ng bagong cash card para sa mga karagdagang benepisyaryo ngayong taon.
Tuloy-tuloy naman ang DA sa pagbibigay ng iba pang mga serbisyo at programa sa lahat ng magsasaka sa bansa.