-- Advertisements --

Naitala ng pagbaba sa kaso ng naitatalang dengue sa SOCCSKSARGEN sa unang pitong buwan pa lamang ng kasalukuyang taon.

Batay sa datos ng Department of Health-SOCCSKSARGEN (DOH-12), nabawasan ito ng aabot sa 40 percent .

Naitala ang 7,128 na kaso ng dengue sa rehiyon mula sa dating 11,883 na kaso na naitala sa parehong period noong nakalipas na taon.

Ang pagbaba na ito sa bilang ng kaso ay mula Enero 1 hanggang Hulyo 12 ng kasalukuyang taon.

Sa kabila ng pagbaba sa kaso ng dengue, patuloy ang apela ng DOH-12 sa publiko na labanan ang dengue sa pamamagitan ng pag-alis sa mga breeding sites nito sa mga komunidad.

Inirerekomenda ng ahensya na ugaling i observe ang 4S strategy – search and destroy, secure self-protection, seek early consultation, at support fogging operation.