-- Advertisements --
Nagwagi ng silver sa World’s Best Rice 2025 Awards ang bigas ng Pilipinas na Denorado.
Masayang ipinamalita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang “Mabango 3” na uri ng bigas o Denorado ay nagwagi sa patimpalak na ginanap sa Phnom, Penh,Cambodia.
Tinalo ng Denorado ang 30 iba pang uri ng bigas mula sa iba’t-ibang bansa.
Habang nagtabla sa gold ang Cambodia at Vietnam.
Ang “Mabango 3” ay gawa mula sa Philippine Rice Research Institute.
Ang nasabing patimpalak ay isang pagkilala sa mga scientist ng bansa na patuloy na gumagawa ng iba’t-ibang uri ng bigas sa bansa.















