Dela Hoya Oscar
Oscar Dela Hoya/ IG post

Kinasuhan ng pananakit at sexual assault ang boxing legend na si Oscar Dela Hoya.

Isinampa ng nagrereklamo ang kaso sa Los Angeles County Superior Court.

Nakilala ng biktima ang Mexican boxer noong 2016.

Naganap ang insidente ng imbitahan ito sa kaniyang bahay sa Pasadena noong 2017.

Dito ay isinakatuparan ng boksingero ang kaniyang maitim na balak sa pamamagitan ng pagmolestiya sa biktima.

Dahil aniya sa pangyayari ay nakaranas ito ng pagkabalisa hanggang hinikayat ito ng kaniyang kaibigan na magsampa na ng kaso.