-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pananambang ng NPA na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang menor de edad at pagkasugat ng isang sibilyan sa Catubig, Northern Samar noong Pebrero 8.

Binigyang diin ni Lorenzana na ang insidenteng ito ay testamento raw sa karahasang hinahasik ng mga komunista saan man sila naroon.

Ayon sa kalihim, walang habas na pinaputukan ng mga NPA ang mga sundalo na nagpapatrolya kahit alam nilang may mga sibilyan sa lugar, na walang kalaban laban.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang kalihim sa mga pamilya ng mga biktima at sinabing kaisa ang sandatahang lakas sa buong bansa sa pagtamo ng hustisya.

Siniguro pa ni Lorenzana na lalong tumibay ang determinasyon ng AFP na tapusin na ang mga komunista upang mawakasan na ang kanilang pananakot at pamemerwisyo sa mga mamamayan.