-- Advertisements --
Naglabas nag advisory ang Philippine Space Agency (PhilSA) na posibleng bumagsak sa karagatang sakop ng bansa ang mga debirs ng Long March 5 Y7 rocket ng China.
Ang nasabing rocket ay inilunsad ng China dakong 7:34 gabi nitong Biyernes.
Base sa kanilang pagtaya na maaaring nasa 97 nautical miles mula sa Dalupiri Island, Cagayan at 113 Nautical Miles ng Santa Ana, Cagayan ito babagsak.
Nababala rin ang ahensiya na ang mga debris ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa karagatan o sa mga eroplano at ito ay maaring dalhin sa gilid ng dagat.