-- Advertisements --
Dalawang New Year babies ang isinilang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Manila.
Batay sa record ng naturang pagamutan, magkasunod na isinilang ang isang baby boy at baby girl sa naturang pagamutan, pagpatak ng alas-12 ng madaling-araw.
Unang isinilang ng 25-anyos na si Sally Alburo ang isang lalakeng sangol na pinangalanan niyang Yuri.
Matapos ang sampung segundo (10 secs), isinilang din ng 21-anyos na si Jennilyn Dalen ang isang malusog na sangol na pinangalanan niyang Zamara.
Ang dalawang sangol ang pinakaunang isinilang sa naturang ospital ngayong 2026, batay sa official record ng pagamutan.












