Inilunsad ng Department of Health ngayong araw ang isang digital platform para mapadali ang access sa healthcare services para sa mga pasyente sa buong bansa.
Ito ay ang Patient Appointment System (PAS) na inilunsad sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Layunin nito na magkaroon ng sistema at mas mapabilis ang pagbibigay ng mga outpatient services ng mga ospital sa ilalim ng ahensiya.
Sa pamamagitan din ng PAS, mabibigyan agad ng schedule ang mga magpapakonsulta para hindi na mag-antay pa ng buong araw ang mga pasyente.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, alinsunod ang nasabing inisyatiba sa 8-Point Action Agenda ng Marcos administration.
Magagamit aniya ito para malaman ang health trends at mapabuti ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan.