Naitala ang isang malakas na pagsabog sa isang residential area sa Barangay 227, Zone 21, Tondo, Manila, ilang minuto matapos ang New Year countdown nitong Enero 1, 2025.
Dahil sa malakas na pagsabog apektado ang tatlong bahay at pansamantalang nawalan ng kuryente ang mga residente.
Nasira rin ang ilang ari-arian, kabilang ang isang tricycle, motorsiklo, at mga bintana ng bahay. Tinatayang lima pamilya ang naapektuhan ng insidente.
Walang naiulat na nasaktan, ngunit isang lalaki na may-ari ng isa sa mga bahay ang dinala sa ospital matapos makaranas ng trauma. Ayon sa barangay, hindi siya kaagad na-interview dahil umano sa kalasingan.
Nagbabala ang barangay na pananagutin ang sinumang mapatunayang may kinalaman sa pagsabog at pinaalalahanan ang publiko na gumamit ng paputok nang responsable, lalo na sa mga residential area.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung anong uri ng paputok ang nagdulot ng insidente.
Ayon sa opisyal, kahawig ng nangyari sa Barangay 223 ang insidenteng ito, na kinasangkutan ng paputok na pinulot ng mga bata.










