Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang naitalang kaso ng influenza A subclade K o “super flu” sa Pilipinas.
Sa kabila nito, tiniyak ng ahensiya na binabantayan na ang mga biyaherong mula sa lugar na may mataas na kaso ng naturang strain.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, senior citizens at may comorbidities ang pinaka-nanganganib dahil kumakalat ito sa hangin.
Sa ngayon, maigting na binabantayan ang variant sa ibang bansa dahil maaaring hindi ito ganap na protektado ng ilang flu vaccines.
Patuloy naman ang surveillance at random sampling, at prayoridad ang flu shots para sa matatanda at immunocompromised individuals upang maiwasan ang impeksyon.
Batay sa mga ulat mula sa World Health Organization at health authorities, kasalukuyang may mga naitalang kaso na ng Super Flu sa Europe at North America, partikular sa mga bansa kung saan uso ang winter season.
















