Bumagsak sa Indian at Pacific oceans ang mga debris ng rocket ng China matapos na makarating ito pabalaik sa kalawakan ng mundo.
Ayon sa space agency ng China na ang mga debris ng Long March 5 na nasunog ay nakitang bumagsak sa Sulu Sea sa Pacific partikular na sa silangang bahagi ng Palawan.
Ang nasabing pagbagsak ng mga debris ng Chinese rockets ay matagal ng kinukuwestiyon kung sino ang may responsibilidad nito.
Ilang beses na ring nanawagan ang NASA na dapat gumawa ang China ng rockets na mayroong maliit na mga debris lamang na babagsak sa mundo pagdating sa kalawakan.
Ang Long March 5 rocket ay may dala ng lab module na Tiangong station ay inilunsad noong nakaraang mga araw kung saan pinawi ng China na malayo na mapunta sa mga kabahayan ang mga debris nito.