-- Advertisements --

Sumampa na sa 378 ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.


Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, posibleng mapalitan pa dahil sa patuloy na validation na isinagawa ng mga otoridad.

Ang mga naitalang casualties ay mula sa Central Visayas, partikular sa Cebu at Bohol.

Dagdag pa ni Timbal nasa 742 katao ang sugatan habang 60 ang nawawala.

Nasa kabuuang P3.9 million ang apektado ng Bagyong Odette.

Iniulat din ni Timbal na ila sa mga kababayan natin ay nakabalik na sa kanilang mga bahay kaya nabawasan na ang bilang ng mga evacuation centers na nasa 1,198 na lang ngayon.

Sa datos ng NDRRMC nasa 478,963 kabahayan ang nasira dahil sa bagyo.

Tinatayang nasa P16 billion ang halaga ng pinsala na naitala sa infrastructure habang P3 billion naman sa sektor ng agrikultura.