Sineguro ng kasalukuyang alkalde sa lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na maisisilbi ang hustisya sa naganap na pagpaslang sa dalawang Japanese nationals kamakailan.
Ito mismo ang tiniyak ng naturang alkalde kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang suspek ng pagpatay sa mga biktima.
Bagama’t arestado na ang ilang suspek, ang isang sangkot pa ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga otoridad.
Maalalang naganap ang krimen noong gabi ng ika-15 ng Agosto sa bahagi ng Malvar Street sa lungsod ng Maynila kung saa’y kinilala ang mga biktima na sina Nakayama at Hideaki Satori na pinatay pagkababa ng isang taxi.
Habang ang Manila Police District naman ay nagsampa na ng kasong ‘murder’ at ‘theft’ laban sa dalawang suspek sa city prosecutor’s office.
Ito’y ang magkapatid na Manabat partkular kina Abel Manabat y Nuqui, 62-taon gulang at Albert Manabat y Nuqui, 50-anyos ang mga naarestong suspek sa Pampanga.