Pinalawig pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa mga distritong hinagupit ng habagat at ng mga bagyo.
Saklaw sa bagong deadline ang malalaking taxpayers service kabilang ang mga apektadong authorized agent banks at ang lahat ng revenue district offices (RDO) maliban sa RDOs 15 at 16, RDO 22, RDO 79.
Kabilang naman sa deadline ang mga dokumento para sa quarter na nagtatapos sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Ito ay ang pagsusumite ng quarterly information sa overseas contract workers o OFWs Remittances na exempted sa documentary stamp tax, paghahain o e-payment ng BIR Form 1600, pagsusumite ng quarterly summary list ng benta, mga binili o inangkat ng isang VAT registered taxpayers, pagsusumite ng sworn statement ng manufacturers o importers sa volume ng sales ng bawat partikular na brand ng produktong alcohol, tabako, at sweetened beverage products, e-filing at e-payment ng quarterly value-added tax return gayundin ang quarterly percentage tax return at value-added tax retrun para sa non-resident digital service provider.
Sa isang statement, inihayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na nauunawaan nila ang mga hamong kinakaharap ng mga taxpayer sa gitna ng masamang lagay ng panahon.
Bahagi aniya ng kanilang kampaniya para sa mahusay na serbisyo para sa mga taxpayer ang pakikinig at pag-adjust sa reyalidad na kanilang kinakaharap at hinimok ang mga ito na unahin ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.