-- Advertisements --
image 156

Pinaplano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin pa ang deadline para sa Sim (subscriber identity modules) card registration nang lagpas sa Abril 26.

Ito ay para mabigyan pa ng pagkakataon ang mga subscriber na makapagpatala ng kanilang sim card.

Ginawa ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo ang naturang anunsiyo dahil nasa 24.54% pa lamang o katumbas ng 41,471,503 subscribers ang nakapag-parehistro ng kanilang Sim card mula sa kabuuang mahigit 168.9 million subscribers sa buong bansa.

Sa ngayon nasa deliberasyon pa ang pagpapalawig ng SIM registration ng panibagong 120 araw.

Una ng itinakda ang deadline ng mandatoryong pagpapatala ng Sim card sa loob ng 180 araw mula ng maging epektibo ang SIM Card Registration Act o hanggang Abril 26, 2023.

Pinapayagan ng batas ang DICT na palawigin ang deadline para sa panibagong 120 araw kung kinakailangan.