-- Advertisements --

Nanawagan si House Deputy Minority Leader Leila de Lima kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), at himukin ang kanyang gabinete na gawin din ito.

Ayon kay De Lima, kung seryoso ang administrasyon sa kampanya kontra korapsyon, dapat magsimula ito sa sarili. Giit niya, all-out ang laban kung walang tinatago at walang “sacred cows” o prinoprotektahan.

Dagdag pa niya, ang pagpapalabas ng SALN ay patunay ng katapatan at paninindigan sa transparency, alinsunod sa isinusulong ng Pangulo na Freedom of Information Act.

Sinabi rin ng mambabatas na ito ang pagkakataon ng Pangulo na patunayan na siya ay iba kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi kailanman isinapubliko ang kanyang SALN.

Matatandaan, inalis na ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga restriksiyon sa pag-access ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno, isang hakbang na magpapatibay sa transparency sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon sa mga infrastructure project.