Pinatawan ng $15,000 na multa si New Orleans Pelicans All-star forward Anthony Davis.

Ito ay may kaugnayan sa pag-‘dirty-finger’ niya sa isang fan matapos ang pagkatalo nila sa Charlotte Hornets nitong Miyerkules.

Sinabi ni NBA executive vice president of basketball operations Kiki VanDeWeghe, na pinag-aralan nilang mabuti ang kumalat na video at nakita nila ang pakakasala ni Davis.

Agad na binawi ni Davis ang kaniyang ginawa sa pamamagitan ng pakikipagkamay at “High-five” sa ilang fans bago ito tuluyang pumasok sa kanilang locker room.

Taong 2012 ng kinuha ng Pelicans si Davis at umani rin ito ng kritisismo dahil sa pagsasapubliko ng paghiling ng trade noong Enero.