-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang lalaki matapos masabogan ng pinaglarauang granada sa Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Currimao.

Kinilala ni PLt. Irineo Sibicao Jr., hepe ng PNP-Currimao nag namatay na si Jomar Herera, 30-anyos at residente sa naturang barangay habang ang sugatan ay si Rico Santos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sinabi ni Sibucao na pinaglaruan umano ng biktima ang nasabing granada at bigla na lamang sumabog.

Sinabi ni Sibucao na posible umanong natanggal ni Herera ang pin ng ganada at nang ibabalik na sana ay dito na sumabog.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay agad namatay si Herera kung saan naputol lahat ng daliri sa mga kamay at pribadong parte ng katawan, mukha at tiyan habang naitakbo naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac at nasa mabuti nang kalagayan si Santos.

Samantala sinabi ng ama ng biktima na si Brgy. Kagawad Ramil Herera na nagulat na lamang ng may marining na malaks na pagsabog.

Ang alam umano ng ama ay gulong lamang ng saksakyan ngunit nang lumabas ay bumungad sa kanya ang nakahigang anak na naliligo na ng sariling dugo.

Igniit nito na hindi umiinom ng alak nag kanyang anak nang mangyari ang pagsabog at hindi rin nito alam na may hawak itong granada.

Nabatid na ang compound na pinangyarihan ng insidente ay pagmamay-ari ni Vice Mayor Sandra Cabreros sa bayan ng Currimao at ang pamilya Herera ang caretaker dito.