CAUAYAN CITY- Personal na galit ang pangunahing motibo na nakikita ng mga kasapi ng San Manuel Police Station sa pamamaril sa isang dating Seaman sa Sta. Cruz, San Manuel, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Captain Ronald Suyu, Hepe ng San Manuel Police Station sinabi niya nanaganap ang pamamaril kay Elvis Frias, 57 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Nagpanggap ang suspek na bibili ng noodles sa biktima habang inaabot umano ng biktima ang noodles sa ay bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktma.

Batay sa paghahayag ng biktima tinatayang nasa 50 pataas ang suspek.

Bagamat may persons of interest na sa pamamaril ay hindi pa ito papangalanan ng pulisya para sa karagdagang pagsisisyasat na kanilang isinasagawa.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital ang biktima matapos na isailalim sa operasyon dahil sa natamong sugat sa kanang balikat at tiyan nito.