DATING PRESO
Naarestong dating preso/ Bombo Kalibo Picture

KALIBO, Aklan—Balik kulungan ang isang 23-anyos na lalake matapos na maaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Malay PNP Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Aklan sa Sitio Angol, Barangay Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Kinilala ng Malay PNP ang suspek na si Kim Cahilo at residente ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng suspected shabu kapalit ng P1,100 na buy-bust money.

Samantala, sa pag-body search kay Cahilo, dagdag na narekober ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Si Cahilo ay dati ng nakulong sa pagbebenta ng illegal na droga ngunit nakalaya dahil sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) sa ilalim ng Plea-Bargaining.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Malay Police Station ang naturang drug suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.