Nakatakdang tumestigo si dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
Sa isang panayam, sinabi ni Torre, nakatakda sa susunod na lingo ang kaniyang unang appearance ngunit hindi pa sigurado kung makakadalo siya dahil nananatili siyang naka-leave habang mayroon din aniyang conflict sa kaniyang schedule sa naturang araw.
Si Torre ang nanguna sa paghahanap at tuluyang paghuli kay Quiboloy, matapos ang ilang araw na police operation sa compound ng KOJC sa Davao City.
Agusto-26 nang maging epektibo ang leave ng dating PNP Chief at magtatagal ito hanggang Oktobre-31.
Giit ng heneral, nananatili ang kaniyang suporta sa mga proyekto ng pamahalaan, kasama na ang Bagong Pilipinas program ni Pang. Marcos.
Sa kabila ng mga kasalukuyang kaguluhan aniya, hindi rin dapat mawala ang suporta ng bawat isa sa Saligang Batas, at ang pagsunod sa chain of command.
Samantala, nang matanong ang heneral ukol sa kaniyang plano pagkatapos ng kaniyang leave, sinabi nitong wala pa siyang napagdedesisyunang gagawin sa ngayon.