Tumanggap ng P50,000 na tulong pinansyal ang dalawang dating Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lapu-Lapu City sa ilalim ng AKSYON Fund ng Department of Migrant Workers (DMW), na ppinangunahan ni Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay si Anelin Salogaol, 42, na umuwi noong Oktubre 2024 matapos makaranas ng pisikal na pang-aabuso sa kanyang employer sa Qatar. Katulad niya, umuwi rin si Rovie Ruezan, 28, mula Saudi Arabia noong Setyembre 2024 dahil sa hindi makataong pagtrato ng kanyang amo.
Parehong gagamitin ng dalawang dating OFW ang natanggap na ayuda para palaguin ang kanilang maliliit na negosyo.
Ayon sa DMW-7, nakapagbigay na ang programa ng higit P5.6 million sa 109 benepisyaryo noong nakaraang taon, at karagdagang P2.35 million sa 35 OFWs hanggang Marso 2025.
Nanawagan naman sina Salogaol at Ruezan sa mga kapwa OFWs na huwag mahiyang humingi ng tulong mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration kung sila’y nakararanas ng pang-aabuso.