Ipinagkaloob ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD at Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang P21 million sa Centennial Sunrise Homeowners’ Association, Inc. para sa pagbili ng lupang tinitirhan ng mga benepisyaryo ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP), bahagi ng pinalawak na 4PH Program ni Pangulong Marcos Jr.
Nagbigay din ang SHFC ng P84,000 grant para sa documentary stamp tax ng mortgage. Layunin ng ECMP na matulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng legal at seguradong pagmamay-ari ng lupa at mapaangat ang kanilang kalidad ng pamumuhay.
Samantala, inanunsyo ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office Deputy Administrator Lee Robert Britanico na maaaring mag-apply ang kwalipikadong residente para sa Enhanced Lifeline Program (ELP) na nagbibigay ng diskwento sa water rates para sa low-income households.













