Nais ng mga awtoridad ng Pilipinas na pabilisin ang repatriation ng labi ni Maryan Pascual Esteban, isang Filipina na nasawi sa sunog sa isang high-rise building sa Hong Kong.
Ayon kay Consul General Romulo Victor Israel, sisimulan na nila ang kinakailangang paperwork para mapabilis ang pagpapauwi sa labi ng biktima.
Karaniwan, aabutin daw ng dalawang linggo ang proseso, ngunit tiniyak ni Israel na susubukan nilang pabilisin ito. Nabatid rin na naiwan ni Esteban ang kanyang 10-taong gulang na anak sa Cainta, kung saan personal na bumisita ang Department of Migrant Workers sa pamilya.
Samantala, karamihan ng mga Pilipino sa nasabing lugar ay nakumpirma na, ngunit dalawang indibidwal pa rin ang sinusubukang hanapin dahil sa lumang datos ng contact numbers.
Ayon kay Israel, malamang ay hindi sila naapektuhan ng insidente dahil wala namang ulat na sila ay nawawala o nasaktan.















