Tatanggap ng HKD $800,000 o halos P5.85 million ang pamilya ng Pilipinang domestic helper na nasawi sa Tai Po fire sa Hong Kong.
Ito ang kinumpira ni Hong Kong Labor and Welfare Secretary Chris Sun sa isang press conference kasama si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, na nagtungo mismo sa Hong Kong upang makipagpulong sa mga opisyal at apektadong manggagawa.
Nabatid na ang nasawing Pinay ay si Maryan Pascual Esteban na tubong Isabela.
Kasama sa kabuuang ayuda ang statutory compensation, one-off assistance, at funeral support. May nakalaan ding benepisyo para sa mga nasugatan at nakaligtas.
Tiniyak din ng Hong Kong na magiging flexible sila sa visa extensions ng mga survivors, habang inihahanda naman ang repatriation ng labi ni Esteban.
Samantala, pumalo na sa 159 katao ang natukoy na nasawi sa malagim na sunog.
Sa 159 na nahanap na katawan, 140 na rito ang natukoy ang pagkakakilalan habang ang iba ay patuloy pang kinikilala.
Kinabibilangan ito ng 91 na babae at 49 na lalake.
















