-- Advertisements --
Hinalughog ng National Bureau of Investigation (NBI) ang condominium unit sa Bonifacio Global City sa Taguig ni dating Ako Bicol party-list Zaldy Co.
Armado ng search warrants ang NBI na may kaugnayan sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa dating mambabatas.
Kinumpiska ng NBI ang mga dokumento at pera na nakalagay sa vault.
Sinabi ni NBI spokesperson Palmer Mallari na ang mga dokumento at pera ay maaaring magamit bilang ebidensiya sa mga kasong iniimbestigahan nila na kinasasangkutan ni Co.
Magugunitang idineklarang pugante ng Sandiganbayan si Co at kinansela ang pasaporte nito dahil sa nahaharap ito sa kasong malversation at graft charges dahil sa P289-milyon na halaga ng mga substandard na mga road dike project sa Oriental Mindoro.
















